Sunday, 17 May 2009

Havainnas vs. Spartan


Pangalan: Havaiannas















Lugar na pinanggalingan:
São Paulo, Brazil

Pagbigkas:ah-vai-YAH-nas (Brazilian Portuguese)
hah-vee-ah-naz (American English)
OMG! hah-va-yaH-naZz! (Filipino)

Materyal na ginamit: Malupit na goma (high-quality rubber).

Presyo: Depende. Ganito na lang, 1 pares ng Havaianas = 100 pares ng Spartan.

Mga nagsusuot: Mga konyotik at mga mayayaman (na noong una ay nababaduyan sa mga naka-de sipit na
tsinelas at sasabihing, "Yuck! So baduy naman nila, naka-slippers lang."

Malulupit na katangian at kakayahan:
- Masarap isuot.
- Shock-absorbent
- Malambot ngunit matibay
- Makukuha sa sandamakmak na kulay, disenyo at burloloy
- Maaaring isuot sa loob ng Starbucks
- Mainam na pang-japorms
- Mainam i-terno sa I-Pod at Caramel Macchiato
- Mapipilitan kang maglinis ng mga kuko mo sa paa
- Maaari ka nang mag-dikwatro sa loob ng mga pampublikong lugar at sasakyan
- Magiging 'fashionable' ka kapag ikaw ay nagkukuyakoy

Olats na mga katangian:
Mahal!
Mahal!
Mahal!



Pangalan: Spartan


















Lugar na Pinanggalingan:
Metro Manila, Philippines

Pagbigkas:
spar-tan (American English),
is-par-tan (Filipino).

Materyal na ginamit: Pipitsuging goma (Low-quality rubber).

Presyo: Wala pang 50 pesos.
Isang pares ng Spartan = 20 piraso ng pan de coco.

Mga nagsusuot:
ang masa (gaya-gaya lang ang mga sosyal at pasyonista)

Malulupit na katangian at kakayahan:
- Maaring ipampatay sa ipis
- Maaring ipampalo sa mga batang suwail at damuho
- Pwedeng ipanglusong sa baha at putikan
- Pwedeng ipamalengke
- Mainam gamitin sa tumbang-preso
- Mainam gawing 'shield' kapag naglalaro ng espa-espadahan
- Mainam isuot sa siko bilang proteksyon habang naglalaro ng piko
- Mainam na pambato sa picha o shuttlecock na sumabit sa puno
- Mainam na pangkulob sa pumuputok na watusi
- Kapag ginupit-gupit nang pahugis 'cube,' e maaari mo nang gawing pamato sa larong Bingo na
kadalasang makikita sa mga lamay ng patay.

Olats na mga katangian:
- Madaling magkawalaan kapag hinubad dahil halos pare-pareho lang ang itsura
- Masakit isuot kapag may mga balahibo ang mga daliri mo sa paa
- Minsan kapag ipinambato mo ito sa picha o shuttlecock na nakasabit sa puno, e nadadamay pati
yung tsinelas...

No comments: